Skip to content

Ilang mga PLI’s na hindi nagpatupad ng moratorium, Nai-refund na!

Ilang mga PLI’s na hindi nagpatupad ng moratorium, Nai-refund na!

Dahil sa nararanasang krisis na kinakaharap ng buong mundo, nagpatupad ang ating pamahalaan ng moratorium sa loan payment. Ngunit may mga napapabalitang hindi pagsunod sa kautusang ito, kaya umapila ang ACT sa Banko Sentral ng Pilipinas upang bigyan ng kaukulang pansin.

Kaya naman magandang balita na sumunod at nagbigay na ng refund ang mga PLI’s sa kani-kanilang miyembro.

Basahin ang buong post ng Act NegOr:

“TAGUMPAY!

Nai-refund na po ang mga loan deductions ng ilang mga PLI’s na hindi nagpatupad ng moratorium. Ito ay matapos sumulat ni ACT Phils. Secretary General Raymond Basilio kay Benjamin Diokno, Governor-Banko Sentral ng Pilipinas hinggil sa pagpapatupad ng 30-day grace period sa pagbabayad ng utang ng walang penalties at nagbigay ng listahan ng ilang lending institutions na hindi nag-implement ng Loan Payment Moratorium.

Tagumpay ito para sa ating mga kaguruan. Habang nasa gitna tayo ng krisis ng pandaigdigang pandemya ng CoVid19, malaking tulong ito habang lumalaban tayo sa hindi nakikitang kalaban at sa pagtugon sa pangangailang ng ating pamilya.

Mabuhay ang ACT!

Mabuhay ang mga guro ng bayan!

-ACT NCR UNION Caloocan Chapter”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *