Pagkuha ng Community Tutors at School Nurses Ipinasasama Sa Budget ng DepEd

    Pagkuha ng Community Tutors at School Nurses Ipinasasama Sa Budget ng DepEd

    Inirekomenda ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na isama sa panukalang budget para sa susunod na taon ang pagkuha ng community tutors at school nurses.

    Saad ni Castro na dapat kunin sa pondo ng Department of Education ang pagkuha ng 50,000 community tutors.

    Ipinaliwanag ni Castro na ang mga community tutor ang tutulong sa milyong-milyong kabataan na naka-enrol sa pamamagitan ng modular distance learning.

    Dagdag pa ng kongresista na tututukan din ng mga community tutor ang mga non-reader at non-independent learner at ang mga estudyanteng ang mga magulang ay walang kapabilidad na sila ay turuan.

    “For this purpose, I propose an appropriations of P11,813,900,000,” pahayag ni Castro.

    Inirekomenda rin ng kongresista ang pagkuha ng 1,000 full-time school nurses para sa limited face-to-face classes.

    Nais ni Castro na maglaan ang DepEd ng P491,458,000 para sa hiring ng school nurses.

    See also  Teachers urge PBB task force for release of delayed bonus

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *