Bentahan ng Academic Requirements iimbestigahan ng DepEd at Ched

    Bentahan ng Academic Requirements

    Nais ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na imbestigahan ng Department of Education at Commission on Higher Education ang talamak na bentahan ng academic requirements.

    Dahil sa nahihirapan ang mga mag-aaral sa blended learning, nagiging bahagi na ng sistema ang naturang gawain.

    “Nakakalungkot ang nangyayaring ‘completion of academic requirements for fee’. Nagiging embeded sa sistema ng blended learning ang ganitong kalakaran. Kaya dapat kumilos ang DepEd/CHED dito,” pahayag ni Castro sa isang panayam.

    Kaugnay nito, may mga mungkahi ni Castro upang matigil na ito.

    Isa na rito ang agarang pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes sa mga low-risk area.

    Binigyang-diin din ng kongresista ang pagbuo ng leksiyon na isasailalim sa ebalwasyon ng mga guro.

    “Never magpapagawa ng activity na beyond sa capacity ng bata, kung puwedeng individual basis ito depende sa kakayahan ng bata,” sabi ni Castro.

    Siniguro ni Castro na dapat may investigation upang matigil na ang sistema.

    “Investigate ito at maging rehabilitative ang purpose at hindi punitive,” diin pa ni Castro sa The POST.

    See also  Grade 8 - 3RD QUARTER SELF-LEARNING MODULES (SLMs)

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *